TUKSO (KATAPUSANG LABAS)

Napatunayan ni Baldo na natatapos din ang mga kahibangan...

..

KATAPUSANG LABAS

 

Naka-upo si Arnel sa kanyang lamesa sa kanyang opisina. Pinagmamasdan nya ang larawan ng kanyang mag-iina sa kanyang cellphone. Ang larawan ng mga ito ang kanyang screen saver. Tinititigan nya ang kanyang bunso. Mababa ang loob nya kay Neil. Sa tatlo nilang anak, kay Neil lang parang nabuhos ang pagmamahal nya. At para ngang nagseselos dito ang dalawa nitong kapatid. Pero si Neil kasi ang kanyang anino; kaya gano’n na lang ang pagka-over protective nya rito.

 

At isa pa, parang totoo ang sinasabi ni Tisya na  lucky charm nila si Neil. Mula ng isinilang ito ay parang hinipan ang kanilang kabuhayan. Higit na lumago ang negosyo ni Tisya. Sa loob ng anim na taon ay may tatlo ng branches ang restoran nila. At marami na silang tauhan. At nabibigyan na nila ng trabaho at oportunidad maging ang mga kapatid nya. At iniisip nga nyang magpalipat ng pwesto sa mas malapit na branch sa Luzon para maging malapit sa kanyang pamilya.

 

Pinipilit nga siya ni Tisya na magresign sa trabaho...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow